Sa inyong lahat mga mahal na kapatid.
Ka Israel, Ka bien, Ka Earth, Ka Arnel.
Lahat ng ating minamahal na kapatid
higit sa lahat ang classmate ko mula Congress hanggang Senado: Senador Manong Dante Marcoleta. Wow, napakahirap po ang pumunta tumayo at magsalita sa inyong harapan pero noon pa man, alam kong walang madali
kapag ikaw ay Marcos. Nanginginig ako at ang aking boses hindi dahil ako’y natatakot sa inyo kundi dahil nalulungkot po ako. Ipagpaumanhin ninyo kung sa gitna ng pagsasalita ko ako’y hihinto hihinga dahil sa bigat ng aking kalooban.
Pero hindi iyan ang dapat kong ihingi ng paumahin. Hindi ‘yan ang kasalanan ko sa bayan na dapat ihingi ko ng tawad.
Narito po ako dahil sa tawag ng Iglesia ni Cristo para sa transparency
accountability at hustisya at dahil sa tawag ng sarili kong konsensya bilang senador, bilang kapatid, bilang Pilipino.
Bata pa lamang kami ni Bongbong alam na ng buong pamilya ang problema sa kanya sa totoo lang.
Mababasa naman ng lahat ang mga testimonya ng aking ama patungkol sa kanyang ugali at gawain noon dahil may tatay pa kami hindi ko pa siya responsibilidad. Noong tumatanda ay mas naging nakakabahala. Batid ko na na nagdadrug siya. Nalaman ko at ng pamilya, nalaman ng pamilya seryoso ito. Minsan kami ng Presidential Guard at Metrocom pa ang naglilinis tuwing nagpaparty pa sila. Nabuhay kaming magkakapatid sa ibang bansa.
Kami kami lang. Kinumbinsi ko pa si Bongbong pakasalan mo na si Liza.
Naisip ko nun kapag nag asawa siya
malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon. Ang laki ng pagkakamali ko. Mas lumala Ang kanyang paglulong pagkalulong sa droga. Kahit parehas pala silang mag asawa naging gobernador sya ng Ilocos alam ng mga tao doon na halos hindi sya pumapasok. Tuwing kokomprontahin ko siya ay nagsasabi siyang magbabago na siya; aalisin na niya ang bisyo. Hanggang sa may nagsumbong na naman sa akin na
sa paggising pa lang sa umaga kasabay ng almusal, marijuana pala
maghapon sila. Lahat sila nag iinuman at gumagamit ng cocaine kasama ng asawa at barkada. Tulad ng ama ko, kinastigo ko ng mga barkada niya, ang nasirang si Bong Daza, si Edwin Cruz, Inigo Tonyboy, [sa] Anton. Alam po ninyo yan kung papano nagreresign na sa takot ang mga pulis nila at staff
dahil sa lumalalang bisyo. Inayos ko sila dahil gusto niyang ituwid ang buhay niya gusto niyang mag Bise Presidente.
Hindi siya pinalad at lalong nagkaroon ng oras para sa bisyo simula noon naging malabo sa amin ang lahat
kaysa mag away. Bigla na lamang lumayo ang loob namin sa isa’t isa
nung 2016 Kasabay ng kampanya ni dating Pangulong Duterte Laban SA Droga. Lumabas ang pangalan ni Bongbong sa listahan. Nakasama siya sa listahan ng mga celebrities, mga artista, Maricel Soriano at iba pa. Masinsinan kong Kinausap si Pangulong Rody. Halos manikluhod ako
sinabi kong ayon sa kapulisan dapat unahin usigin ang mga pusher
at saka na lamang sagipin ang mga user. Naligtas si Bongbong. Labis ang takot ko at pag-aalala. Kinausap ko siya at nagsabi siyang talagang siya ay
nagbabago na muli at lagi. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Ako’y naniwala ulit. Mula noon, ang natatanggap ko na lang na balita tungkol sa kapatid ko ay
regular na pagpapadoktor kaya
kumalma naman ako. Inisip ko totoo dahil naopera na ang tuhod niya sa gout. Siguro totoo na ito. Hanggang nito na lamang nalaman ko na tuloy ang paggamit niya sa mga party na garapalang naghahain ng droga. Pinagmamalaki pa ng mag-asawang kayangkaya nila ang microdosing ng cocaine. Hati-hatiin daw para apat na beses sa isang araw, hindi mabibisto
ang pampapadoktor. Pinalabas nilang pag stem cell, nagpapalit daw ng dugo nagpapablood transfusion. Kayang
kaya raw. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nung 2021. Kahit papano nagkikita kami at nagkakausap
sumumpa siya sa akin. Talagang hinintunan niya. Naniwala ako kasi sabi niya. Gusto niyang tumakbo; ang sabi ko, tutulong ako sa abot ng aking makakaya. Ipinakilala ko si Bongbong kay Inday naging magkatandem sila pagkatapos nun ay biglang hindi na niya ako ulit kilala. Kahit si Inday nagtataka, bigla akong naitsapwera. Kahit ganun nangampanya pa ako para sa kanya. Kahit si inday na lang ang aking nakakausap. Hindi ko alam bakit ako nakaban sa headquarters nila. Sa Mandaluyong, hindi ko alam bakit walang nagrereport sa akin tungkol sa kampanya. Sa totoo lang, masakit mang aminin nung dinidisqualify na siya. Halos papaburian ko na sana dahil may nagsumbong sa akin mula sa kanyang campaign team na gumagamit na naman siya. Nung sinabihan ko siya at mga taong nasa paligid niya, nagkaisa silang tuluyan akong alisin sa kampanya na ako naman ang bumuo. Sinabi nilang gusto ko na siya ay
madisqualify para ako ang pumalit. Hindi totoo yun. Iniisip ko ang kalagayan ng aking kapatid. At paano siya magsisilbi kung ganyan ang kalagayan niya? Pero pinaparating sa akin na hindi siya lulong at minsan na lamang tuwing nagpaparty. Hindi ko maipaliwanag bakit gusto kong maniwala at hindi mawalan ng pag-asa.
Noong nanalo siya naging pinakamalayo na kami sa isa’t-isa maliban sa opisyal na tagpuan. At kapag pumupunta yung nanay namin. Hindi ako sumama sa loob ng tatlong taon diyan sa Malakanyang dahil lantaran na doon ang inuman. Ang paggamit nila ng cocaine at mga bawal na gamot. Hindi ba ninyo nakikita, naririnig? Kakaiba na siya magsalita. Hindi na maintindihan kung ano
ano na ang sinasabi at wala na sa sarili.
Nagtatago na sa kabaitan niya ang pang aabuso at nagbunga na ito ng mga nakakapinsalang maling desisyon. Hinayaan niyang kumilos ang mga nakapalibot sa kanya, ‘yung mga umaastang Presidente, habang nilululong siya ng mga ito. Hindi na kami nagkausap sa harap ng publiko. Pinipilit kong magmukha kaming maayos pero wala na kaming koneksyon. Hindi ko hiniling na maunawaan ninyo ako. Lahat kayo, sa palagay ko, ang makakaunawa lamang sa aking mga pamilyang may pinagdaanan sa adiksyon sa inom, sa sugal, sa alak, sa bisyo. Higit sa lahat, sa droga. Kapag hindi ko siya nakakasama, buo ang aking loob na ipasok sa institusyon, ipagamot, iparehab ko na yan. Pero tuwing maghaharap kami noon, hindi kaya ng aking kalooban na gawin yun tuwing magsasabi siya sa akin na magbabago na siya. Hindi ko siya kayang tiisin.
Hindi ko kayang ipagkait sa kanyang pagkakataon at pagbabakasakali
umaasa ako at laging nananalangin na sana, oo nga, nagbago na siya hanggang dumating ang 2024 at 2025.
Yung bisyo niya na Ang dahilan ng pagbaha ng korapsyon kawalang direksyon at maling maling mga desisyon. Walang accountability, wala ng hustisya. Hindi na niya alam ang nangyayari. Hindi na pinapaalam sa kanya ang mga pangyayari. Sinamantala ng mga ito ang paggamit niya ng droga. Kinamkam na nila ang kaban ng bayan. Habang ang mga dating tumatawag sa amin ng magnanakaw ay nakakita ng pagkakataon sirain ang lahat
nagagamit na nila si Bongbong para sirain si inday. Itinutulak pa nila si Bongbong at ang bayan sa bangin
para umastang tagapagligtas mula pagtraydor at pagpapahamak kay VP
inday sa confidential funds na kung tutuusin, ang galing naman sa opisina ng Pangulo hanggang sa pagpadukot sa dating Pangulong Duterte para itapon na lamang SA ibang bansa. Ang kabait, garapal na ang pagtatakip sa kanya ng mga nasa Congress, sa Senado, mga miyembro ng gabinete. Kitang kita na ng taumbayan; wala ng puwang ang kahihiyan, para bang nauulit ang bangungot ng kasaysayang dinamas namin noon 68 years old po ang tatay nung pinatalsik sa pwesto.
68 years old na rin si Bongbong ngayon.
November 17 din nung 2021 nung nakumbinsi KO si inday na magbise Kay Blngbong. November 18 po bukas, ang ikatlong araw natin. Siyam na taon na nakakaraan saktong November 18 pa
talaga na pinalibing ni Pangulong Duterte ang Tatay ko sa Libingan ng mga bayani. Daman pero alam kong ito ang dulo at hangganan ng aking pagtitiis at pananahimik. Hindi na tayo mananahimik dahil nalamang kong pati ang mga anak niya ay nagdodroga na
kinasusuklamang ko and pag alok ng mag inang si Sandro ng droga. Ang aking mga anak at iba pang mga kamag anak, yan ang hindi ko na mapapalampas. Sa loob ng halos apat na dekada, wala akong ibang pinangarap kundi maipakita sa sambayanan na hindi kami masamang tao. Hindi masama ang pamilya Marcos. Gusto kong ibangon ang dangal ng aking ama sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa bayan. Sinikap kong maging mabuting gobernador,
kinatawan, senador. Hindi ako halos nagpapahinga para makapag iwan sana ng legasiya na kapag sinabing Marcos nabawi na namin ang tingin sa nakaraan. Ngunit sa kagustuhan kong maging responsableng anak
matupad Ang pangako ko sa aking ama, nabigo akong maging mabuting
kapatid. Naging mahina ako kay Bongbong, sa kapulisan at sundalo, sa lahat ng mga lider at tagapagpatupad ng batas.
Siya ang Pangulo natin ngayon. Sabi ko, kung anong kalagayan niya ngayon,
tulungan niyo akong mapabuti ang kanyang kalagayan. Tulungan niyo akong matulungan siya. Hindi niya ako kalaban. Ang kalaban niya ay ang sarili niya at nadadamay ang bansa sa laban na yan bilang senador at lingkod bayan. Batid ko ang mga problema, at gaya ng bayan, alam ko rin ano ang solusyon sa pagkakawatak watak. Patuloy na pamumulitika, pagnanasa sa kapangyarihan ng mga talunan naman.
Kaguluhan sa Mindanao, alanganing giyera sa China at Estados Unidos,
kawalang pananagutan sa flood control scam, garapalang takipan, panggigipit sa hindi kaalyado, pagkakanulo sa kapwa Pilipino, pagdakip sa dating Pangulong Matanda at may sakit upang ihagis lamang sa bansang dayuhan,
pagsadsad ng piso, paglaganap ng gutom, paghihingalo ng ekonomiya
at pagsasawalang bahala sa taong bayan. Ang delubyo’t kalamidad na nagdudulot ng parusa, ang korapsyon na nauwi sa kawalan ng tiwala at hustisya sa Pilipinas sa kanyang pamahalaan, lahat ng yan
ay masosolusyunan kung ikaw aking kapatid magsaayos ng iyong sariling kalusugan, kapag humupa ang ingay sa pulitika, kapag umuwi na kami sa aming pamilya. Hindi bilang senador kundi bilang ate bilang si manang Amy ni Bonget. Kaya itong sasabi sa harap ng taong bayan, sa harap ninyong lahat at sa harap ni Bongbong, Bonget, magtatatlong taon na tayong hindi nagkakausap. Tatlong taon ko nang sinusubukang muli na ako’y pakinggan.
Siguro ngayon ay makakarating ng buo
Ang gusto kong sabihin walang mababawasan, hindi madadagdagan Bongbong. Nag aalala sayo tuwing nakikita kita SA TV, gusto kitang puntahan. Napakalaki ng pinagbago mo. Itsura pagsasalita takbo ng pag isip. Minsan napapatanong ako sa sarili ko. Ikaw pa ba yan? Si Bongbong ba talaga yang nakikita ko. Pero ako, ading ko, ako pa rin ito.
Ako pa rin ang ate mo na tumayong
ama’t ina sa inyo sa ibang bansa. Ang kasama mo sa sumubok na sanggain lahat ng sakit para sa iyo.
Ang kapatid mo na Hindi mo kailangan hingan ng tawad dahil agad ka ng iniintindi at tatanggapin dahil mahal kita. Nasa bagong tipan kay Lucas
kapitulo labing pito bersikulo tres,
hanggang apat: Kung magkasala ang iyong kapatid sawayin mo siya
at kung siya’y magsisi, patawarin mo siya.
Tama na ading ko. Tapusin mo na ang paghihirap mo at ng bayan. Gaya noong umalis tayo sa palasyo.
Kaya ko pa Rin hawakan ang iyong
kamay. Huwag kang matakot. Malaki na ang dulot sa iyo ng droga. Sinisisi ko ang sarili ko, dahil hindi ako nakinig sa mga sumbong. Hindi ako nakialam. Hindi ako maniwala.
Pero hindi pa huli ang lahat. Tama na, ading ko. Magpahinga na tayo. Umuwi na tayo, magpagamot, magpagaling at nangangako ako, hindi ako malilingat. Hindi ako magkukulang. Lahat ng kasama mo ngayon, hindi natin kasama sa pinakamadilim na bahagi ng buhay natin. Kasama mo sila ngayon, dahil nasa taas ka pa.
Ako at ang ating mga tunay na kapatid dito sa Luneta, ang kasama mo, kahit magdilim ulit ang lahat, talikuran mo ang iniisip at ibinubulog nilang ambisyon.
Unahin na natin ang kalusugan mo dahil sa adiksyon; nabigyan mo ng malubhang karamdaman ang buong bansang Pilipino.
Alagaan na lang natin Ang isa’t isa;
kaliwat kanan man ang panghuhusga sa akin, malinaw sa aking puso na dapat mauna ang Diyos, Ang Bayan
pamilya, at sarili.
Gusto kong malaman mo na hindi kita sinusukuan. Hindi ko kakayanin kung mapapahamak ka. Kaya hinihingi ko na tayo’y umuwi na, mamahinga alang sa iyong kalusugan.
Kaya kong mabigo at mawala sa iyo ang posisyon, pero hindi ko kayang mawala ka sa amin.
Ayusin mo ang sarili mo magpagamot; alisin ang droga sa iyong sistema.
Wala akong ibang gusto kundi gumaling ka. Malampasan natin ito muli
dahil wala akong ibang hinahangad bilang ate kundi maging masaya ka maging ligtas sa panganib. Malusog, matagumpay sa buhay, itama ang mali, labanan ang adiksyon, at ako, hindi kailanman aalis sa iyong tabi susuporta
at hindi titigil manalangin kasama ninyo dito sa uneta at sa buong mundo
dahil iyon naman ang tungkulin at ibig sabihin ng salitang kapatid.
Kapatid, mabuhay kayong magkakapatid, maraming maraming salamat po.
- Advertisement -
FULL TRANSCRIPT: Senator Imee Marcos Address in Iglesia ni Cristo Rally, November 17 2025
- Advertisement -
- Advertisement -
RELATED ARTICLES
- Advertisement -

