Tuesday, December 3, 2024
- Advertisement -
HomeNational NewsTranscript: Statement of Congressman Arnulfo "Arnie" Teves, Negros Oriental Third District, on...

Transcript: Statement of Congressman Arnulfo “Arnie” Teves, Negros Oriental Third District, on the death of Negros Oriental Governor Roel Degamo

- Advertisement -

The following is a transcription of the statement recorded on video by Negros Oriental Third District Representative Arnulfo Teves posted on his Facebook page last Monday, 6 March 2023, two days after Negros Oriental Governor Roel Degamo was killed in an assault of heavily-armed men on his residential compound in Pamplona town.

Degamo was killed along with eight others, in what is now known as the Pamplona Massacre, and 16 other people were wounded.

Magandang umaga sa lahat na aking mga palangga sa ating mga kababayan at sa lahat ng mga Marites at mga epal diyan.

- Advertisement -

Pagpasensya niyo na na medyo natagalan itong matagal niyo nang hinihintay. Alam ko ang daming gusto humingi ng reaksyon ko tungkol sa pangyayari sa aming probinsya sa Negros Oriental.

Na delay lang ito ng konti dahil nasa abroad din ako dahil overdue na ang aking pagpapagamot ng aming pagpapalagay ng ating stemcell ang doktor ko ay hindi bumalik so kailangan ko siyang puntahan awa ng Diyos tapos na naman po.

Ay kailangan rin natin ang ating health dahil health is wealth.

- Advertisement -

Alam niyo ba.

Ito ang matagal ko nang kinakatakot na mangyari. Bakit?

Expected ko na.

- Advertisement -

Na.

Ako na naman ang pagbibintangan.

Baka wala pang nagsalita openly But uulitin ko sa inyo katulad ng masabi ko dati marami din akong sources of intel.

Ngayon napag-alaman ko na merong ibang mga tao diyan na gusto akong idiin ang iba nito siguro gusto lang umepal gusto mag pasikat para sa sarili nilang kapakanan.

Wala po akong pinapatamaan pero alam nyo kung sino kayo.

Again hindi ko kinakalaban ang ating gobyerno. Sino ba naman si Arnie para lumaban sa gobyerno. Ako ay ordinaryong tao lamang.

Nakakatakot ang mga ganitong pangyayari.

Ah bago ba iyon ito muna.

Napagalaman ko kasi sa akong sa aking intel.

Na gusto talaga ako idiin ng isa dyan.

Nagkamali siya ng salita dahil hindi niya alam na marami akong kakilala.

Alam mo kung sino ka.

Wag niyo naman sana akong gawin na isang instrumento para sa inyong pagsikat.

Ang ganitong pangyayari ay hindi kanais-nais at hindi maganda para sa progreso ng aking distrito at ang aming probinsya.

Isa pa, kung may balak man ako o may kakayahan na gawin ito.

Tandaan niyo kung may balak man ako, kung may kakayahan na gawin ito di sana ginawa ko na ito bago pa mag eleksyon anong motibo ko ngayon gagawin. Di ba hindi rin magiging benepisyaryo ako at ang kapatid ko.

Dahil kung mawala ang gobernador ang uupo naman ang vice governor hindi naman ang kapatid ko na talagang nanalo noong eleksyon.

Pero hindi ko alam anong magic na Nangyari na pinababa sa puwesto ang aking kapatid.

Again sa lahat ng krimen ang unang hinahanap.

Nang Imbestigador at pulisya ay ang motibo.

Kung sino yung pinaka may balak at magkakaroon ng benepisyo sa pangyayari sa totoo lang wala kaming makukuhang benepisyo dito sa pangyayaring ito.

Nakakatakot ang ganitong mga pangyayari kaya ako nananawagan.

Sa ating magaling at mabait na presidente.

Sir Mr BBM president bbm.

Umaapela ako.

Pakisabihan yung tao niyo na ipabalik na ang aking lisensya ng mga baril para naman sa aking proteksyon at proteksyon ng aking pamilya doon sa time na kasabay nung tinanggalan ako ng lisensya ng baril tinanggalan pa ako ng.

Bodyguard kailan lang nalaman ko na naman na may order na naman.

Na mag search warrant Sa lahat ng may unlicensed firearms.

Pagbalik ko agad agad.

Isusurender ko na ang aking mga baril partial lang yung unang na surrender dahil nung nangyari iyon Wala ako sa probinsya.

At.

Hindi mabigay nung aking inutusan ang iba pang mga baril isusurender ko po lahat yun Ayon sa batas dahil walang taong above the law nung Surrender ko nga iyong una kong mga Baril sa totoo lang wala pang sulat.
Galing sa FEO na kailangan ko nang isurrender.

Walang due process.

Ngayon hindi ko pa nga alam kung ano yung tamang proseso Kailangan ko ba kumuha ng permit to transport dahil baka hulihin ako sa daan habang papunta sa pag surrender ng aking mga baril sa nearest police station as required by law.

Ngayon ma Punta tayo sa video.

Nakita niyo na siguro ang video ng pangyayari.

Nakita natin kung gaano kagaling at ka propesyonal ang gumawa ng krimen.

Meron lang nakakapagtaka dun sa video Bakit.

Kakapasok or pinapasok ng ganun lamang yung mga tao na sa aking sariling pag-aanalisa.

Ay parang magkakilala sila nung nasa gate at hindi lang yun.

Syempre kakilala siguro nakapasok ng wala man lang kahit konting resistance.

Alam ko naman.

Na marami din guwardiya yung ating nakaraang yung yumaong na gobernador in fact dati tinanong ko yun.

Kung bakit sobrang dami ang kanyang gwardya samantalang ang allowed sa amin ay dalawa lang.

Ang allowed sa isang pulitiko ay dalawa lang na gwardya galing sa gobyerno pwera lang sa ating presidente.

Mga netizens ito ang pagmasdan niyo at Tingnan niyo ng paulit-ulit.

Pati ang aso.

Kilala ang pumasok Bakit ko nasabing kilala Tingnan nyo yung aksyon ng aso dun sa video hindi man lang kumahol.

Kung hindi kumawag pa ang buntot kung baga parang kumakaway-kaway pa yung aso isa o dalawang aso basta I’m sure there was one dog na.

Kumaway pa ang buntot hindi man lang kumahol.

Ako ay sang ayon sa nabasa kong statement ni Congressman Ace barbers tungkol sa lahat ng violence sa ating bansa.

Andaming mga pangyayari na unsolved pa.
Sa amin hindi man siguro nasama doon sa listahan ni Ace Barbers dahil mga politiko lang yun.

Ang pag patay kay Rex Cornillo, ang pagpatay kay Avelix Amor hanggang ngayon wala man lang isang suspect.

Gamit pa noon kotse ang isang kotse noon na nakuha sa video kotse ng provincial government ng Negros Oriental.

Ngayon, nakapagtaka kung bakit ang ibang kaso napakatagal-tagal ang usad.
Sabay ito pagkabilis-bilis na kaagad may mga nahuli daw na mga suspect.

Hindi ako nag dedepensa o nagsasabi na hindi ito yung mga suspect pero sa akin lang sobrang galing naman sobrang bilis sabay pag ibang tao sobrang tagal. Bakit ganoon.

At sa galing noong nakita ko sa video hindi ako maniniwala na ganun-ganun lang kabilis mahuli yung ganoong klaseng mga tao hayop sa galing parang pang sine.

Hindi ako maniniwala na ordinaryong sibilyan yun sa nakita natin na galaw nila.

Alam nyo itong sinasabi ko ay hindi kwento ko lamang kung hindi base lang sa video na nakita ko.
Again, nananawagan ako sa aming ating mahal na presidente kailangan ko po ng proteksyon nga aking buhay, kailangan namin ng kapayapaan sa aming probinsya.

At kailangan namin tulong para masolba ang lahat ng krimen sa buong bansa.

Again, yung gusto lang umepal at sumakay sa issue para sa inyong mga sariling hangarin huwag nyo po ako o ang ibang tao gamitin bilang tools or bilang paraan para sa inyong pansariling kapakanan.

Ito po si Kuya Arnie nakikiramay sa pamilya ng namatayan dahil masakit mamatayan ng kapamilya.
Kailan lang binaril ang aking pinsan at hanggang ngayon unresolved pa ang issue.

Sa totoo lang yung pinsan ko na yun pinsan din yun ng asawa ni congressman Paolo Duterte.

Pinsan yun ni (January) pinsan ko rin.

Hindi pa na reresolve kung sino talaga ang totoong suspect doon at ewan ko kung may gumalaw na ganito ka grabeng galaw para mahuli ang suspect sa pagpatay sa aking pinsan.

Namatayan rin po ako ng anak noong 2015 masakit po kaya inuulit ko po ang mga ganitong mga pangyayari ng patayan ay hindi ko gusto at hindi kanais-nais.

Alam nyo ba gusto kong mabalik ang politika sa probinsya ng Negros Oriental na katulad dati sa panahon ng aking lolo Lorence Senator Lolo Lawrence at Governor at Congressman Herminio Teves.

Sa mga panahon na iyon ang mga katunggali namin sa politika nakikita ko sa bahay naming tuwing fiesta November 25 at tuwing birthday ng lolo ko April 25 at tuwing birthday ng lola ko na May 14.

Lahat ng eleksyon nasa buwan ng Mayo pero kahit sa mga taon ng eleksyon an gaming mga katunggali noon ang pamilya nila Macias, pamilya nila Perdices pamilya nila Arnaiz magkatunggali man kami sa politika pero sa lahat ng party sa aming bahay sa bahay ng lolo ko ang tinatawag naming na big house nakikita ko an gaming mga katunggali sa politika.

Sana maibalik natin ang politika na ganoon na politika politika lang huwag na umabot sa bayolente na mga pamamaraan.

Maraming Salamat po.

- Advertisement -
DNX News Desk
DNX News Desk
Pioneer digital-first news and information source based in Bacolod City, Negros Occidental province. We are committed to providing high-quality journalism to our audience.
RELATED ARTICLES
- Advertisment -

LATEST NEWS

- Advertisement -